Katanungan
Sa aking pagkakaalam ang klima ng Asya ay…
Sagot
Sa aking pagkakaalam ang klima ng Asya ay iba-iba. Dahil malaki ang sakop na teritoryo ng Asya, iba-iba rin ang klima sa mga bansang nasa kontinenteng ito.
Ang ilang bansa sa Asya ay nakararanas ng panahon tulad sa ibang kontinente na mayroong taglamig o winter, at iba pang tatlong panahon.
May ilang bahagi naman ng Asya na tropikal ang klima o sobrang init madalas. Nakararanas lamang ng malamig na panahon sa mga bahaging ito kung tag-ulan ngunit walang nyebe.
May mga bahagi rin ng Asya na labis na mainit dahil nasa gitna sila ng daigdig kung saan mas kilalang mas mainit ang klima.