Jose Neil C. Garcia

Talambuhay

Gumawa ng marka ang manunulat at propesor na si Jose Neil C. Garcia o mas kilala bilang J. Neil Garcia, hindi lamang dahil sa kaniyang mahuhusay na akda, ngunit dahil na rin sa pagsulong niya ng pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan.

Kasalukuyang propesor ng creative writing at comparative literature sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Nagsilbi rin siyang direktor ng university press ng UP.

Naglabas siya ng ilang aklat na naglalaman ng kaniyang mga tula katulad ng The Sorrows of Water at Kaluluwa.

Naging tanggol din si Garcia ng LGBT community dahil sa mga isinulat at iwinasto niyang aklat tungkol sa kanila. Isa siya sa mga nagsilbing editor ng Ladlad series at Aura: The Gay Theme in Philippine Fiction in English.

Naglabas din si Garcia ng aklat na Philippine Gay Culture noong 1996 na muling inilathala noong 2009 ng Hong Kong University Press.

Kinilala rin ng iba’t ibang gawad parangal ang kaniyang mga aklat, tula, at sanaysay kabilang ang Don Carlos Palanca Memorial Awards, National Book Award, at Philippines Free Press Literary Prize.

Isa sa kaniyang pinakabagong aklat ay ang Myth and Writing Occasional Prose sa ilalim ng UP Press.

Maliban sa pagiging propesor, kasalukuyan din siyang nagsusulat ng mga pagsusuring pampelikula sa GMA News Online.

Popular Posts